ANG FLASHCARD TUNGO SA MAKABAGONG PAMARAAN NG PAGTUTURO SA PANAHON NG TEKNOLOHIYA
Ang "flashcard" ay isang kagamitan na ginagamit ng isang guro sa silid-aralan para sa kanyang partikyular na klase. Ito ay maaaring naglalaman ng mga larawan, salita, hayop, hugis, mga numero o bilang, at marami pang iba. Mula noon hanggang ngayon ito ay tinatangkilik pa din ng mga guro dahil ito ay nagiging epektibo upang malinang ang kaalaman ng mga mag-aaral. Maari din itong gamitin sa kahit anumang asignatura dahil pasok ito sa kahit anong topiko na pwedeng gamitan ng flashcard. Madali lang itong gawin at pwede mo gawing malikhain ang pagpapakita ng flashcard mo na gagamitin sa talakayan. Maraming magagandang dulot na benepisyo ang paggamit ng flashcards sa loob ng klase. Kasama sa mga benepisyo na aming natuklasan ng ay ang pagpapabuti ng mga kasanayan sa wika, pagtaas ng kakayahang bumuo ng mga kuwento, pagsasaulo, pagsusuri ng problema, at pagpapayaman ng bokabularyo. Bukod sa cognitive side, ang mga benepisyo ng isang flashcard ay maaari ding magpapataas ng tiwala sa sarili, bumuo ng mabuti at epektibong komunikasyon, at mapahusay ang pagkamalikhain.

Ito ay masasabi namin na napakabisang gamitin sapagkat nahuhumaling at naaaliw dito ang bawat mag-aaral. Ito ay mabisang kagamitan sa pagtuturo dahil nakakaagaw pansin din ito lalo na kung ito ay malikhain sa pagtalakay o paggawa gamit ang flashcard. Hindi lang nakakaaliw tignan ang ganitong paraan ng pagtuturo nakakatulong din ito upang mabilis makabisado ng mag-aaral ang tinatalakay ng guro. Nagiging aktibo din ang klase dahil sa partisipasyon ng mga mag-aaral lalo na sa mga mag-aaral sa elementarya.
Maraming pwedeng gawin sa flashcard upang maging malikhain ang iyong pagtuturo at makuha mo ang atensyon ng bawat mag-aaral mo. Pwede mong gawin itong palaro na may kaugnayan sa tatalakayin mong leksyon o di kaya ang layunin mo ay mabilis matandaan ng mag-aaral mo yung mga importanteng detalye sa tinatalakay mo. Mas mainam na ang iyong flashcard ay maganda tignan at yung laman ay mababasa o makikita ng malinaw dahil nagiging mabilis yung koneksyon mo sa iyong mag-aaral.
Ito ang napili namin na materyal na ginagamit ng guro sa pagtuturo na hindi namin malilimutan dahil para sa amin ito ay napakabisa at kahit sa anumang panahon ay patuloy pa rin ito na magagamit. Naaalala ko dati noong na sa elementarya kami ito yung ginagamit ng guro upang mabilis namin maaalala yung mga hugis, kulay, at letra na nakalagay sa flashcard. Nakakaaliw at habang inuulit ito ng aming guro ay parang mabilis kami natututo at makabisado yung pinapalabas niya siya flash card. Kadalasan pa ay ginagawang palaro ito ng aming guro at kung sino yung pinakamaraming nasagutan sa flashcards ay siya ang magiging panalo at bibigyan ng aming guro ng kendi o tsokolate bilang gantimpala. Maging noong na sa sekundarya na kami hindi ko to malilimutan sapagkat flashcard yung ginamit sa paligsahan ng talino na ginanap aming paaralan sa asignaturamg matematika at ako ay nanalo. Maraming aktibidad pa ang hindi ko malilimutan na ginamitan ng flashcard sa loob man ng silid-aralan o maging sa paaralan mismo. Para sa amin naging malawak talaga ang sakop ng flashcard kapag iyong gagamitin sa pagtuturo dahil nagiging malikhain at nag-iiba ang dating sa pagtuturo.
Sa panahon ngayon kung saan nagbabago ang sistema ng edukasyon sa pagtuturo dahil sa makabagong teknolohiya. Malaki ang papel na ginagampanan ng teknolohiya para mapayabong at mapaunlad ang pamaraan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang mga lumang pamaraan at kagamitan sa pagtuturo ay mas naging maunlad, maganda, matibay, at mabilis maintindihan sapagkat nagamitan ito ng teknolohiya. Marami kang pwedeng magawa sa tulong ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad mo ang pamaraan mo sa pagtuturo bilang isang guro. Nakasanayan na ngayon na ang mga bata o mga mag-aaral ay nawiwili na sa mga teknolohiya dahil mabilis itong lumaganap.
Bilang mga guro sa hinaharap mas mabuti na may alam ka sa teknolohiya para maging mabilis at hindi ka maging huli sa pauso ng mga pamaraan sa pagtuturo. Maraming pwedeng gawin gamit ang teknolohiya katulad na lamang ng aming pinili na kagamitan sa pagtuturo na flashcard ay maari pa itong payabungin at mapaunlad kapag ito ay ginagamitan ng teknolohiya. Katulad na lamang sa paggawa ng flashcards na na nagiging malinaw at pwede pa itong gawin na malikhain sa paningin ng mga mag-aaral. Ito ay nagiging makabago tignan pero ito ay simpleng flashcards lamang ngunit ng dahil sa teknolohiya ito ay naging maunlad ang kalalabasan. Pwede din itong gamitin maging sa birtwal na pamaraan ng pagtuturo at naging mabilis ito at mas lalo na mapaganda ang pagkakagawa.
Sa aming pagtatapos, kahit anong panahon man ang dumaan at kahit anuman ang mga pamamaraan ng pagtuturo sikapin pa din natin na mabigyan ng pagkatuto ang bawat mag-aaral. Bilang mga guro sa hinaharap ugaliin natin na tayo ay handa sa anumang pagbabago na hatid ng teknolohiya sa ating sistema ng edukasyon. Mabuti na maging handa tayo sa pamaraan at kagamitan na ating gagamitin pero huwag nating kalimutan na ang pinakamabisang guro sa lahat ay ang magampanan niya ang kanyang tungkulin at responsibilidad niya sa kanyang mag-aaral.
.jpg)
.jpg)
Comments
Post a Comment