ANG FLASHCARD TUNGO SA MAKABAGONG PAMARAAN NG PAGTUTURO SA PANAHON NG TEKNOLOHIYA
Ang " flashcard " ay isang kagamitan na ginagamit ng isang guro sa silid-aralan para sa kanyang partikyular na klase. Ito ay maaaring naglalaman ng mga larawan, salita, hayop, hugis, mga numero o bilang, at marami pang iba. Mula noon hanggang ngayon ito ay tinatangkilik pa din ng mga guro dahil ito ay nagiging epektibo upang malinang ang kaalaman ng mga mag-aaral. Maari din itong gamitin sa kahit anumang asignatura dahil pasok ito sa kahit anong topiko na pwedeng gamitan ng flashcard . Madali lang itong gawin at pwede mo gawing malikhain ang pagpapakita ng flashcard mo na gagamitin sa talakayan. Maraming magagandang dulot na benepisyo ang paggamit ng flashcards sa loob ng klase. Kasama sa mga benepisyo na aming natuklasan ng ay ang pagpapabuti ng mga kasanayan sa wika, pagtaas ng kakayahang bumuo ng mga kuwento, pagsasaulo, pagsusuri ng problema, at pagpapayaman ng bokabularyo. Bukod sa cognitive side, ang mga benepisyo ng isang flashcard ay maaari ding magpapataas ng tiw...